Inaakap Na Pagbabago
- Gale Araniego

- Mar 18, 2021
- 1 min read

Sakay muna tayo dito
Sandaling dalhin ko muna kayo
Sa kung paano tayo noon
At kung saan tayo ngayon
Sakay muna tayo dito
Sandaling dalhin ko muna kayo
Sa mga panahong nakamit
Na ngayo'y pilit ninanais
Sakay na muna tayo dito
Sandaling dalhin ko muna kayo
Kung saan tayo nag mula
Doon din tayo tutungo
Kaya sakay na muna tayo dito
Dahil nausad tayo
At uusad pa tayo
Habang sakay pa tayo nito.
|| Inaakap na Pagbabago ||



Comments